OpenStreetMap

Pulms's Diary

Recent diary entries

CWTS++: Maptime Session!

Posted by Pulms on 28 September 2018 in Tagalog. Last updated on 1 October 2018.

Ngayong ika-27 ng setyembre ay naganap ang Maptime Session ng Cwts++ program ng MapAmore sa Audio Visual Room 2 na pimunuan ng aming propesor na si Ginoong Erwin Olario. Ito ay isang programa na naganap ngayong araw pinagsama ang A.M at P.M session sa kaganapang ito at mula rito ay nakasaganap kami ng bagong kaalaman at impormasyon ngayong araw ibabahagi nila sa amin ang mga pagtulong nila sa iba’t-ibang proyekto nila tulad ng Philippine Red Cross at paggamit ng UAV/Drone na konektado din sa pagmamapa nila.

Sinimulan ng aming propesor na si Ginoong Olario ang unang pagbati at pagpapakilala sa mga kapwa ko kamag-aral at sa mga bisita na nagbahagi din ng kanilang karanasan sa kanilang pagmamapa. Ang unang nagsalita o nag present ay si Irish Pauline Rebong kapwa ko kamag-aral siya ay nagbahagi ng tungkol sa aming assignatura ibinahagi niya kung bakit mahalaga ang cwts at ibinahagi niya din yung mga ginagawa namin kapag nasa comlab   kami yung pagmamapa at pag vavalidate ng gawa.

Ang susunod na pinakilala ng aming propesor ay ang nangunguna at pumapangalawa sa aming leaderboard na sila Elmar at Syrill nagbahagi sila ng maiksing mensahe para sa kanilang karanasan nila sa pagmamapa pagkatapos magsalita ng mga kapwa ko kamag-aral ang susunod na magsasalita pinakilala siya ng aming propesor siya ay si Ginoong Leonard G. Soriano. Siya ay nagbigay ng idea sa paggamit ng UAV/Drone. Ibinahagi niya rin sa amin yung Arroceros Forest Park ito daw ay isa sa malaking park at ibinahagi niya rin ang mga tatlong bahagi ng flight at yung ang huli nyang pagtatalakay ay tungkol sa open data dapat daw laging active ang open data para updated sa mga lugar. Pagtapos ng pagtatalakay ni Ginoong Leonardo G. Soriano lahat kami ay nag meryenda na muna ng sampung minuto at nagsalo-salo sa tinapay na ibinahagi sa amin ng aming propesor at mga bisita.

Pagtapos naming magmeryenda lahat ng sampung minuto ipinakilala na din ng aming propesor ang huling magbabahagi sa amin na si Ginoong Mikko Tamura. Ibinahagi naman niya ay tungkol sa “OpenStreetMap and the Philippine Red Cross”. Ibinahagi niya ang mga naging karanasan niya sa pagtulong sa ibang tao at magpabibigay ng relief goods sa mga ito at nagpatawa siya sa amin para malibang ang lahat binahagi niya rin ang VCA ibig sabihin nito ay Vulnerability Capacity Assessment, at yung mga nag digitalized nito. Pagtapos magsalita ni Ginoong Mikko Tamura Nagtungo na kami sa aming room sa Comlab   para magturo o kausapin kami ng aming propesor tungkol sa integridad at sinabi niya rin samin na sabihan ang mga lumiban na gawin ang binibigay ng aming propesor na gawin ang dapat nilang gawin. Dito po nagtatapos ang aking dokumentaryo tungkol sa CWTS++ Maptime Session sa ngayong araw.#pupsjcwts

Alt text Alt text -Alt text Alt text Alt text Alt text Alt text Alt text

My Neighbourhood

Posted by Pulms on 26 August 2018 in Tagalog. Last updated on 30 August 2018.

Magandang gabi po, nung nagmapa po ako sa aking kapaitbahayan ay Hindi po madali dahil po mas marami po akong alam na lugar na nilalakaran kesa po sa paglagay ng label sa mapa o bahagi ng mapa po, may napangalanan naman po ako na Alam Kong lugar sa aking kapitbahayan, ang ginamit ko po kasi sa aking paglalagay ng bahagi ng lugar ay Mapbox ginamit ko po sya dahil sa tingin ko ay madadalian ako mag mapa pero yun pala ay Hindi masyado madali kasi po kahit papaano po may namapa po ako , masaya po mag mapa ng ibang lugar. Ito lamang po maraming salamat po.